Sa unang bahagi ng taong ito, dumagundong ang pangalan ni Khaz-JP Padilla sa mga balita nang gumawa siya ng kasaysayan bilang unang transgender woman na nagtapos bilang valedictorian at summa cum laude sa Capiz State University (CapSU).

Sa kanyang talumpati bilang valedictorian, sinabi niya na “bitbit ko hindi lang ang mga karangalan, ngunit pati na rin ang pag-asa ng isang komunidad na patuloy na pinapatahimik.”
Kabaligtaran ang makasaysayang karangalang nakuha ni Khaz-JP sa mga nangyari ilang taon ang nakaraan, kung saan hindi tanggap ang mga trans women na mag-aaral. Pinipigilan silang makapasok sa pamantasan dahil sa haba ng kanilang buhok at kung paano sila manamit na karugtong ng kanilang pagkakakilanlan.
Sa malaking tulong ng mga matatapang ng mga mag-aaral na trans women ng CapSU at kasama ang katuwang nilang mga organisasyon, hindi naipatupad ang mapanikil sanang polisiya. Ito ang nagbigay daan para sa mga tulad ni Khaz-JP para maabot ang pinakamataas na karangalan pang-akademiko nang hindi kinokompromiso kung sino siyang talaga.
Ipinagkait na edukasyon para sa mga trans women
Noong October 10, 2022, ipinahatid ng Office of Student Affairs (OSA) ng CapSU sa mga sa tingin nila ay trans women na hindi na sila pahihintulutang makapasok kung hindi sila magpapaputol ng buhok at magsusuot ng unipormeng “panlalaki.” Ipinabatid din ang utos na ito sa mga guwardiya ng pamantasan. Walang pormal na pasubali ang paghihigpit. Binigyan lamang ng isang linggo ang mga di sumusunod sa polisiyang ito ng isang linggo para tumalima.
Dagdag pa dito, may pagbabanta rin ng lalo pang paghihigpit sa polisiya ng uniporme para sa mga susunod na semestre. Nakarating din sa mga estudyanteng trans na di na raw sila makaka-enroll kung mananatiling mahaba ang kanilang mga buhok at kung ipagmamatigas nila ang pagsusuot ng unipormeng prescribed para sa mga kababaihan. Ang sabi pa ng OSA, galing mismo sa pangulo ng pamantasan ang utos na ito.
Seeing some of their friends complying with the hair length policy and witnessing their sadness and anguish, Barbie, Bhebe, Nicole, Daday, and Taglaii, trans women students of CapSU sought help. They were able to reach the paralegals trained by Rainbow Rights Philippines from Iloilo Pride Team and Bahaghari Philippines.
Unti-unti nang sumusunod ang mga kaibigan nila Barbie, Bhebe, Nicole, Daday at Taglaii sa mga pinag-uutos ng OSA at naging saksi sila sa kalungkutan at hirap na pinagdaanan ng mga ito. Humingi sila ng tulong. Napaabot nila ang kanilang hinaing sa mga paralegals na sinanay ng Rainbow Rights Philippines mula sa Iloilo Pride at Bahaghari Philippines.
Ipinarating ng mga paralegal sa mga estudyanteng lumapit sa kanila na mayroong Anti-Discrimination Ordinance ang Roxas City, Capi. Nang ipahiwatig ito sa OSA, ang sagot lamang nila ay di sila nasasakop ng ordinansa dahil sila ay sa ilalim lamang ng hurisdiksyon ng Commission on Higher Education (CHED). Sa pagbabaliktanaw, kamangmangan ito na bunga ng pang-uuri, stigma at diskriminasyon.
Dalawang solusyon laban sa diskriminasyon
Araw-araw na may banta ng diskriminasyon laban sa mga Pilipinong LGBTQIA+ sa basehan ng kanilang sexual orientation, gender identity, gender expression and sex characteristics (SOGIESC).
Dalawampu’t limang taon nang nakabinbin sa kongreso ang isang SOGIESC Specific Anti Discrimination Bill o ang SOGIESC Equality Bill. Kung maisabata ito, ang discrimination at karahasan sa tahanan, paaralan, trabaho, mga opisina ng gobyerno o sa kabuuan ng mga espasyo na maaring palagian ng isang tao.
Habang walang pambansang batas laban sa diskriminasyon, umaasa ang mga indibidwal na trans at gender non-conforming sa mga batas at polisiya na may malawak na pananalita at mga lokal na ordinansa gaya ng Roxas City Anti-Discrimination Ordinance na limitado ang sakop at parusang pinapataw.
Dahil mukhang hindi makakahanap ng kompromiso sa paunang mga negosasyon sa CapSU OSA at sa kanilang pagmaang-maangan sa sakop ng ordinansa ng Roxas City, isinangguni ng mga paralegal ang kaso sa Rainbow Rights. Iminungkahi ng Rainbow Rights ang dalawang subok na solusyon laban sa mga nagmamatigas na institusyon: (1) ang ipaalam sa CapSU at mga stakeholders nito ang kanilang mapang-aping posisyon laban sa kanilang sariling mga estudyante at maghanda para magsampa ng kaso, at (2) mag-organisa ng mga estudyanteng trans at kanilang mga kakampi laban sa mapanikil na polisiya ng pamantasan.
Sumulat ang tatlong organisasyon – Rainbow Rights, Iloilo Pride, at Bahaghari – sa president ng CapSU at sa OSA. Ipinaalam nila ang paglabag ng pamantasan sa Anti-Discrimination Ordinance ng Roxas City, sa karapatan sa privacy ng mga estudyante, sa Magna Carta of Women at sa Polisiya ng CHED at ng bansa ukol sa inklusyon. Binigyan ng kopya ng sulat na ito ang Board of Regents ng CapSU, ang lokal na pamahalaan ng probinsya ng Capiz at lunsod ng Roxas, at ang regional office ng Commission on Human Rights.
Ginamit din ng mga organisasyong nabanggit ang kanilang mga social media accounts para ipaalam sa publiko kung anong nangyayari sa CapSU.
Naging bahagi ng mga prosesong ito at naging pangunahing grupong kumikilos ang orihinal na limang trans women na estudyante. Sila ang naging susi para magsama-sama ang mga mag-aaral ng CapSU – sila ang mga pisikla na nagbitbit ng mga sulat, nagpunta sa mga tanggapan at tunay na nanguna sa laban.
In the spirit of solidarity and allyship, members of the CapSU Student Council also played pivotal roles.
Sumama sa dakilang adhika na ito ang mga miyembro ng Student Council ng CapSU at gumampan din sila ng mahahalagang papel sa laban.
Pagpapakita ng Lakas
Walang pahiwatig na ang OSA o ang CapSU ay magbabago ng kanilang posisyon, papalapit na ang pagtatapos ng palugit at kinailangan na ng konkreto at matapang na aksyon: hindi na sila maghihintay pa ng pasya at kukuhain na nila ang kanilang karapatan sa edukasyon. Napagdesisyunan nila na pumasok sa mga gate ng CapSU na walang binabago sa kanilang kasuotan at itsura. Ipagsisigawan nila kung sino sila. Binigyan sila ng isang mabilisang paralegal training ukol sa kanilang karapatan at kung paano ito ipaglalaban sa isang pisikal na demonstrasyon.


Dumating din ang araw ng dulo ng palugit. Sa gitna ng naghahalong kaba at determinasyon, pumasok sila Barbie, Bhebe, Nicole, Daday, and Taglaii kasama ng mga sumusuporta sa kanila sa CapSU. Simple lang ang dala dala nila sa mga oras na iyon, ang kagustuhan nilang makapag-aral, ang kaalaman sa batas at ang kapanatagan mula sa komunidad na kasama nila sa laban, isang komunidad na hindi sila iiwanan.
Nang papasok na sila may bigat silang naramdaman. Pero nang humakbang sila papasok, hindi sila pinigilan ng mga gwardya. Wala man lang sumubok na harangan sila.


Sa araw ding iyon, natanggap din nila ang sagot ng paaralan sa kanilang mga komunikasyon. Dininig ng pamantasan ang kanilang mga sigaw. Itinanggi rin ng presidente ng CapSU na sa kanya nagmula ang direktiba na higpitan ang pagpapatupad ng polisiya at ipinag-utos niyang ipatigil ang diskriminasyon.
Mahirap mawari kung ano ang naging huling hibla upang umaksyon ang pamantasan. Marahil dahil ito sa banta ng kaso. Maaring bunga ito ng walang humpay na pagsubok upang maiparating sa pangulo ang apila ng mga estudyante. Maari ring napansin ng pamantasan ang umiingay na sentimyento sa social media laban sa pamantasan o di kaya ang demonstrasyon ng katapangan ng mga estudyante ang nagpakilos sa kanila: ang hindi nila pagtiklop at ang kanilang determinasyon na makapag-aral.
Anuman ang rason, may nagpakilos sa CapSU. At mula noon, ang pagkakapantay-pantay ang umiral.
Pagtatapos ng inhustisya, panimula ng pag-asa
Hanggang sa ngayon, patuloy ang ugnayan ng mga organisasyon kay Bhebe at Taglaoo, ang dalawa sa limang trans women na naunang lumaban sa polisiya ng diskriminasyon sa CapSU. Sa isang pag-uusap ng Rainbow Rights kay Taglaii, sinabi niya “Maraming salamat sa inyo sa tulong niyo. Lahat kami ay nakapagtapos na mula sa CapSU. Nakikita namin ang mga estudyanteng trans doon at ang kanilang kumpyansa sa kanilang gender expression at tuwang tuwa kami.”
Napagtibay din ng mga pagkilos noong October 2022 ang isang organisasyon sa CapSU na ang pangalan ay United Colors of CapSU.
Ibinibigay man nila sa mga organisasyon ang tagumpay na ito, ang mga estudyante pa rin ang pinakanagsikap para makamit ang inklusibong polisiya para sa mga LGBTQIA+ na estudyante ng CapSU. Sila ang naging tanging dahilan upang magkaroon ng mga trans na valedictorian at summa cum laude. (Nagtapos din si Taglaii na cum laude.) Nagbukas ang mga pinto ng CapSU hindi lang para sa limang trans women na estudyante, para din sa sinumang estudyante na nangarap na mag-aaral na walang takot sa diskriminasyon.
About the Rainbow Rights Philippines
Rainbow Rights Philippines, or R-Rights, is a non-profit, non-partisan organization advocating for LGBTQIA+ rights in the Philippines. Based in Quezon City, it continues to partner and cultivate bonds with student communities in Capiz and anywhere else in the Philippines to fight discrimination on the basis of sexual orientation, gender identity, gender expression and sex characteristics, to inform them of their rights and the power of collective action in changing lives, and to assist them in accessing justice through a milieu of strategies. Their website is rrightsphl.org.


![[BUR] တိတ်ဆိတ်နေသံများကို ချိုးဖျက်ခြင်း – သဘာဝဘေးသင့် လူထုရဲ့ မမြင်နိုင်တဲ့ ဒဏ်ရာတွေကို ကုစားပေးခြင်း](https://alternativelawgroups.ph/wp-content/uploads/2025/12/Braveheart-Photo-400x250.jpg)
![[TH] จากผู้หนีภัยการสู้รบสู่ผู้พิทักษ์สิทธิ: เมื่ออาสาสมัครกฎหมายชุมชนกลายเป็นกระบอกเสียงแห่งความยุติธรรมในพื้นที่พักพิงชั่วคราว](https://alternativelawgroups.ph/wp-content/uploads/2025/12/Image-9-400x250.jpg)