Pahayag ng Alternative Law Groups ukol sa Pag-Aresto kay Dating Pangulong Duterte

Hustisya para sa mga biktima ng madugong War on Drugs! Hustisya para sa mga biktima ng rehimeng Duterte!

Ngayong araw ay inaresto ang dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Police Organization o INTERPOL para sa mga crimes against humanity kaugnay ng giyera kontra droga noong siya ay presidente at mga pagpatay ng Davao Death Squad noong siya ay mayor nang mahabang panahon. Ang arrest warrant ay inisyu ng International Criminal Court (ICC), dulot ng walong taong imbestigasyon.

Ito ay lehitimong pag-aresto na iniutos ng ICC dahil ang mga krimen na nabanggit ay nangyari noong ang Pilipinas ay miyembro pa ng ICC. Kahit nag-withdraw na ang Pilipinas sa ICC noong March 2019, may jurisdiction pa rin ang internasyonal na korte.

Ang pag-arestong ito ay isang hakbang tungo sa hustisya para sa mahigit 30,000 na biktima ng War on Drugs at sa mga pamilyang naiwan nila. Isang hakbang tungo sa hustisya para sa lahat ng buhay na kinitil at karapatang pantaong tinapakan, binalewala, at pinagkait ng rehimeng Duterte.

Patunay ito na sa huli ay mananaig pa rin ang batas. Ang Alternative Law Groups ay malugod na tinatanggap ang tagumpay na ito at naniniwalang magpapatuloy ito hanggang makamit ng mga biktima ang buong hustisya!

Tags:

You May Also Like